15

Aug 31, 2020 @ 23:32
By

Grethcel nagpupundar ng mga gamit sa bahay

Mga gamit pambahay ang kinakahumalingan ngayon ni Premier Volleyball League (PVL) star Grethcel Soltones.

Sa kanyang Instagram story nitong Lunes, ipinasilip ng PetroGazz Angels open spiker ang kanyang bagong mga kawali at stove na mahalaga sa loob ng bahay.

Bumanat ang former National Collegiate Athletic Association (NCAA) standout mula sa San Sebastian Lady Stags sa Twitter na tila tumatanda na siya, pero humirit agad “My inner Tita is happy!”

“Naks! Tanda ko na haha mas natutuwa na ako sa mga gamit pambahay,” panapos na tweet ni Soltones.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?