39

Feb 24, 2020 @ 15:07
By

Gretchen ‘wapak’ sa Wish Olympics

May ibubuga pa!

Ito ang pinatunayan ni athlete-host Gretchen Ho matapos magpasiklab sa volleyball event sa ginanap na Wish Olympics nitong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Nakalaro ni Ho sa game ang dati nitong teammate sa Ateneo na si Jem Ferrer at ilang Perlas Spikers na sina Kathy Bersola, Nicole Tiamzon, Heather Guino-o at Amanda Villanueva.

Wagi ang koponan ni Ho na Team Black 25-23, 17-25, 25-17, 10-25, 15-9 kontra Team Orange.

“Happiness is being able to go back to the sport you love Maraming salamat, @wish1075! #WishOlympics,” post ni Ho sa kanyang Twitter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?