11,184

Sep 18, 2021 @ 22:29
By

Gretchen sanay na humawak ng cock

Effortless na lang kay Gretchen Barretto ang paghabol at pagdampot sa isang cock – o manok panabong.

Sa kanyang Instagram post ngayong Sabado, pinakita ng Gretchen kung gaano na siya ka-sanay humuli ng nakawalang manok at kung paano ito hawakan.

“#pitmasters” ang maiksing caption ng aktres sa post.

Si Gretchen ay parte ng Team Alpha ng grupo Pitmaster.

Noong Agosto lamang ay kumalat din ang video kung saan tinuturuan siya ng negosyanteng si Atong Ang kung paano humawak ng manok panabong sa gitna ng sabong.

Sinasabing ang dalawa ay magkasosyo sa casino at online sabong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?