190

Dec 11, 2017 @ 10:36

Gretchen at Karla domesticated trip, wagi sa netizen

May kakaibang hatid ata ang rainy-weather nong linggo kina Gretchen Barretto at Karla Estrada at nagkaroon sila nang kani-kanilang trip.

Naka-poste sa Instagram account ni Gretchen ang isang short video na kuha sa loob ng kusina.

Naloka ang mga followings ni Gretchen na hindi sanay makita ang kanilang idol na nasa harap nang lababo at naghuhugas ng mga baso.

@gretchenbarretto, “Our dearest @albertavellana hosted an afternoon of fun music & drinks at his lovely artsy home. I had to do the dishes”.

Hindi na kailangang kumurap nang mata dahil mismong si Gretchen ang naghuhugas ng mga mga baso isa-isa habang may nakasuot na relo sa kanyang kamay.

Kung dati ang makikita lang sa kanyang IG wall ay ang mga socialite moves and moods ni Gretchen lalo na ang mala-runway fashion walk niya sa mga pinupuntahang mga hotels at events bitbit ang kanyang Hermes bag at suot ang mga branded expensive clothes.

Pero sa pagkakataong ito nagpaka-domestic muna ang actress-fashionist na napag-tripang maghugas ng baso.

Maririnig sa audio na binabanggit ni Gretchen ang lambanog. Iba raw ang naging tama sa kanya nang nasabing Pilipino made liquor kaya napagtripan nitong maghugas ng baso.

Ayon sa kanya, sanay siyang maghugas ng kitchen utensils at maglinis nang bahay nong nasa States siya.

Aliw na aliw naman kay Gretchen ang kanyang mga fans sa kauna-unahang pagkakataong nasaksihan nila ang ibang side naman ng kanilang idol.

Samantala, paglalaba naman ang naging trip ni Karla Estrada na makikita sa video shot na nakaposte sa kanyang IG.

Nakatalukbong pa si Karla nang colored shawl o alampay habang nakasalampak siya sa harap nang itim na batya. Kasama nang “Magandang Buhay” host ang isang batang paslit na enjoy na enjoy sa paglalaro ng labahin.

Makikitang literal na kinukusot ni Karla ang mga puting damit gamit ang kanyang mga kamay. At infairness marunong ngang maglaba ang nanay na ito ni Daniel Padilla.

@karlaestrada1121, “Literal na may labada kami tuwing linggo!! Thank you Jordan for helping me. Happy Sunday momshie

@deadmanasanails @sarapmaglaba.”

Maririnig sa audio na nakagawian na ni Karla ang maglaba tuwing linggo kapag may panahon siya. Bukod dito, naglilinis rin raw siya ng buong bahay at nagluluto na dapat gawin ng mga Mommy sa kanilang tahanan.

Gaya ni Gretchen, umani rin nang papuri si Karla sa mga followings niya na naaaliw sa ginagawa nito sa video.

Ang pagkakaiba lang, lumaki si Gretchen na may kaya ang pamilya nya samantalang nagsimula si Karla nang hindi naman mayaman ang kanyang pinanggalingan bago siya pumasok sa showbiz noong dalagita pa lang siya. Rey Pumaloy

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?