95

Jun 4, 2020 @ 9:03
By

Gretchen Ho todo-iyak sa lolo commuter na niregaluhan ng bisikleta

Sobrang dinamdam ni TV host Gretchen Ho ang balita tungkol sa lolo na araw-araw naglalakad mula Pasay papuntang Makati.

Ayon sa kuwento ng mga netizen, tindero ng candy sa Nichols, Makati si Carlo Samonte, at palagi raw nitong hinihiritan ang may-ari ng Carbs motorcycle sa Andrews Avenue na si Fe Carandang para mabili ng P2,000 imbes na P4,800 ang tipo niyang MTB bicycle.

“Ngayong umaga dumaan ulit sya para tanungin kung pwede po nya bilhin ung bike ng 2.000, ngayong araw na ito ndi po sya nabigo. nakuha nya po ung bike na gusto nya sa KAPALIT isang NGITI po lamang,” sabi sa FB post ng Carbs motorcycle.

Tadtad ng 9 na “loudly crying face” emoji ang reaksiyon ni Ho sa nasabing insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?