263
Gretchen Ho naimbitahan pa sa Duterte dinner bago nadawit sa matrix
May 8, 2019 @ 21:02
By

Gretchen Ho naimbitahan pa sa Duterte dinner bago nadawit sa matrix

Nag-react si TV host Gretchen Ho matapos mapabilang sa mga personalidad na nasa bagong matrix na inilabas ng Malacañang na nagsasabwatan umano para siraan ang administrasyon at palakasin ang tsansa ng oposisyon sa eleksiyon.

Napabilang si Ho sa matrix matapos siyang imbitahan sa pa-dinner para sa mga celebrity nina Pangulong Rodrido Duterte at Honeylet Avanceña, Martes ng gabi.

“So ano ba talaga? Am I trying to oust or support the government?” tweet ni Ho.

Dagdag pa niya, hindi niya kilala si “Bikoy” maging si Rodel Jayme.

“Regarding being included in the “matrix”, I don’t even know who Bikoy is, I have never watched the videos nor shared them, and I have no idea who Rodel Jayme is. You can check all of my social media pages. Thanks.”

Nilinaw din nito na kasama siyang inimbitahan sa Malacañang at walang sinabing para ito sa mga supporter ng Pangulo.

“We were invited to a “private dinner” in Malacañang. Hindi po sinabi na for “supporters” of the President. I was there to have conversation & decided it would help to know the other side of things.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?