37

Oct 24, 2020 @ 17:39
By

Gretchen Ho ipinagtanggol sina Liza, Angel, Catriona

GIRL power!

Tumayo para sa kababaihan si athlete/host Gretchen Ho nang ipaglaban nito ang ilang sikat na female celebrity gaya nina Angel Locsin, Liza Soberano at Catriona Gray.

“I stand w/ Angel Locsin, Liza Soberano &Catriona Gray. #DefendFilipinoWomen,” depensa ng dating volleyball star na si Ho.

Naging usap-usapan sa social media ang tatlo partikular na si Liza nang punahin ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., hepe ng AFP Southern Luzon Command, dahil sa kanyang kolaborasyon sa Gabriela Youth pagdating sa women’s rights – grupong kinokonekta ng militar sa NPA.

“Speaking up doesn’t make you communist/terrorist,” pahayag pa ng atleta kung saan karapatan aniya ng kahit sino na ipahayag ang kanilang opinyon.

“Bahagi ng isang demokrasya ang pag-welcome sa iba’t ibang klase ng opinion. Mahalaga ang kritisismo para malaman ang mga kailangang ayusin at baguhin,” banat pa ni Gretchen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?