183

Mar 17, 2020 @ 19:01
By

Gretchen Ho bilib sa utol na doktor

Super proud si athlete-host Gretchen Ho sa kanyang kapatid na isa sa mga frontliner sa kasagsagan ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa.

Isang Pediatric Infectious Diseases doctor ang kapatid ni Gretchen na si Justin Ho sa Philippine General Hospital.

Sa kanyang Instagram post, nagbigay si Ho ng mensahe para sa kanyang kapatid at iba pang frontliners ng hospital.

“My brother in the ER of PGH. He’s one of the frontliners as a Pediatric Infectious Diseases doctor. Hindi muna siya uuwi hanggang April. Dami raw nagpapadala sa kanila ng pagkain! Let’s keep it coming 🙂 Nakaka-high morale! Maraming salamat sa ating mga frontliners!” sabi ni Gretchen.

“Love you @pediathleete (Justin Ho), please always take care!! Pati sa mga kasama mo. Laban lang!!! Praying for all of you from home. We are proud of you guys!!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?