6,444

Gretchen Fullido nais gawing ‘Thursday girl’, third party sa relasyon ng 2 lady boss

Sharing is caring!

Nailabas na ang mga text message ng ABS-CBN news executive Cheryl Favila, at segment producer Maricar Asprec, na naging dahilan upang kasuhan ang dalawa ng sexual harassment ni Kapamilya reporter Gretchen Fullido.

Sa hinaing reklamo na unang nakuha ng The Manila Times, nakasaad ang mga text message na ayon sa kampo ni Fullido ay puno ng mga sexual innuendo at sexual favor.

Sinabi rin sa reklamo na nasa ‘open relationship’ umano ang dalawang TV executive, at pinipilit si Gretchen na maging ‘Thursday girl’ o maging ka-third party ng dalawa na tinanggihan ng reporter.

Ipinakita rin ang mga mensahe ni Favila noong 2015, na sinabing inilakad umano ng TV exec na maging social media anchor si Fullido noong eleksyon, at sinabi pang mas gusto nito ang ‘stripteaser’.

Pati ang pagsusulat ay inihalintulad ng lady boss sa pakikipag-sex o ‘making love’, bilang suhestiyon kay Fullido.

“Think of writing a story this way: having sex is different from ‘making love.’ Making love entails emotions, not just doing the act. Always try to ‘make love’ to your stories. I am very partial to it.”

Matatandaan na idinawit nina Favila at Asprec ang LGBTQ community, na sinabing diskriminasyon umano ang hinaing sexual harassment case.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?