23

Jan 10, 2022 @ 17:47
By

Gretchen Fulido tinamaan ng Covid

Nagpositibo ang TV Patrol Star newscaster na si Gretchen Fulido sa COVID-19.

Ibinahagi ni Gretchen ang kaniyang karanasan sa Instagram post nitong Sabado, Enero 9.

“Last January 3, I tested positive for COVID-19 (both RT-PCR & Antigen). I immediately went into isolation & prepared all the essential supplements and medicines that I need to take to strengthen my immune system for the days ahead. Note that I am fully vaccinated and got my booster shot last December,” pahayag ni Gretchen sa Instagram.

Idinetalye rin ni Gretchen ang kaniyang karanasan sa bawat araw habang nagpapagaling sa Coronavirus.

Aniya, noong una at ikalawang araw ay sumakit ang kaniyang ulo, kumati ang lalamunan, nagka ubo’t sipon, at nakaramdam siya ng fatigue.

Noong pangatlo at apat na araw na niyang may sakit, nawalan naman siya ng panlasa at pang-amoy ngunit nagpatuloy lang siya sa pagpapahinga.

Sa panglimang araw naman ay bahagya nang bumuti ang kaniyang pakiramdam. Medyo nakaranas lang umano siya ng pagkahapo.

Sa pang-animay, mabuti na ang kaniyang pakiramdam.

At sa pang-pitong araw ay nag negatibo na ang kaniyang antigen test.

Bagama’t wala na siyang iniindang sakit, kinakailangan pa rin manatiling naka-isolate ni Gretchen para umano sumunod sa 10-day isolation protocol ng Department of Health.

“Even if I no longer have symptoms and I feel ok, completing the DOH 10 day isolation and quarantine protocol is a must. Make sure to get your doctor’s clearance if you can be released and to know if you are fit to work. “I am so thankful that I am fully vaccinated and that I was able to get a booster shot too. VACCINES REALLY SAVE LIVES,” dagdag nito.

Samantala, pinaalalahanan ni Gretchen ang publiko na magpabakuna at magpa-booster shot para maprotektahan ang sarili laban sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?