48

Apr 19, 2021 @ 22:36
By

Gretchen Barretto napamura sa bakuna

Hindi kinaya ni Gretchen Barretto ang pagpapabakuna laban sa coronavirus.

Sa kumalat na video sa social media at ibinahagi ng Bilyonaryo, maririnig ang 51-anyos na si Gretchen na napamura nang dumapo ang karayom sa kanyang braso.

Nakasuot siya ng casual na damit at todo kapit sa braso ng health worker habang inihahanda ng isa pang health worker ang iniksyon.

“Sige… sige lang… go,” sabi ni Gretchen bago tumingin nang malayo sa injection.

Hindi napigilan ng aktres na magmura sa viral video.

“P****ng i**, sh*t. Sorry,” sabi ng partner ni Tonyboy Cojuangco.

“Walang sakit. Aray… sakit din ah,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?