213

Feb 15, 2020 @ 11:01
By

Gregorio naiskupan din sa pinagbibiling NLEX

Hindi kinumpirma o inamin ni NLEX Road Warriors team manager Allan Gregorio ang ilang malalaking kompanyang nakikipagdayalogo sa naising mabili ang prangkisa ng team sa Philippine Basketball Assocation (PBA).

Pero sinabi ni Gregorio na hindi ipinagbibili ang koponan sa kanyang kabatiran gaya rin ni coach Yeng Guaio. Hangad aniya nilang na masungkit ang 45th PBA Philippine Cup na magbubukas sa darating na Marso 8.

“No, it’s not for sale,” reaksyon ni Gregorio, bagaman itinanong nito kung sino ang interesadong buyer.

Pero napag-alaman ng Abante mula sa ilang impormantte na ilang mga kompanya ang nakapagdiskusyon para sa pagbebenta ng prangkiisa ng koponan bagaman hindi nakumpleto ang usapan dahil sa binabarat ang pamunuan ng Road Warriors.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?