144
greg-slaughter
Mar 4, 2018 @ 13:07
By

Greg Slaughter kuwestiyonable sa PBA Philippine Cup quarters

Injured na naman si Greg Slaughter, hindi sigurado kung makakalaro ang Ginebra big man sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup.

“Two days before today Greg sprained his ankle,” lahad ni coach Tim Cone pagkatapos ng pahirapang 100-92 triple overtime win ng Gin Kings sa Rain or Shine Biyernes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

May mga ginagawa pa naman daw plays si Cone para kay Slaughter, pero ngayon ay mag-iiba ng taktika ang Gins.

Sa panalo, No. 4 ang Ginebra sa 6-5, dausdos sa No. 5 ang kabuhol nilang Elasto Painters. Silang dalawa pa rin ang magtatapat sa best-of-three quarters umpisa sa Lunes sa MOA Arena.

“We try to keep going without Greg for a while,” dagdag ni Cone.

Hindi pa sigurado kung kailan makakabalik si Slaughter, puwedeng abutin ng apat na araw o kaya ay ilang linggo.

“We have no timetable on Greg’s return,” dagdag ni Cone. “He could come back sometime in the quarterfinals, we’re hoping. Could be a week, it could be three or four days. It all depends on day-to-day therapy or could be a couple of weeks.” ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?