64

Dec 10, 2020 @ 20:36
By

Greg Slaughter kinasal na

Doble selebrasyon ang tinaguriang “GregZilla” ng Philippine Basketball Association (PBA).

Matapos kasing masungkit ng dati niyang koponan na Ginebra San Miguel ang kauna-unahang PBA Philippine Cup nito sa nakalipas na 13 taon ay ikinasal naman siya sa kanyang long-time girlfriend na si Schinina Juban nitong Huwebes.

Sa kanyang Twitter account, binahagi ng 32-anyos na basketbolista ang litrato nila ni Schinina habang nakasuot ng barong at wedding gown.

Wala anumang caption ang larawan pero nilagyan niya iyon ng emoji na singsing at babae at lalaking nakapangkasal.

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?