28

Apr 10, 2021 @ 22:25

Greg kikinang sa NorthPort

NANINIWALA si Barangay Ginebra coach Tim Cone na nasa tamang lugar ang dati niyang sentro na si Greg Slaughter.

Tingin ni Cone, mas lalabas ang talento ng 7-footer na slotman sa bagong koponan nitong NorthPort Batang Pier.

“I think that’s kinda the game Greg needs,” paliwanag ni Cone sa panayam ng The Chasedown nitong Sabado.

“He needs the game to be built around him as opposed to being a complementary player. Given the opportunity over there where he is kinda on his own, not sharing the limelight with Japeth and Joe Devance, and other players, I think he is really going to come to his own.”

Napunta sa Batang Pier noong Marso si Slaughter sa bisa ng one-on-one trade kay Christian Standhardinger, na nalipat na sa Ginebra. (Abante/Abante Tonite Sports)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?