282

Mar 2, 2020 @ 22:12
By

Greenhills Shopping Center, security agency sisilipin sa korapsyon

Siniguro ni San Juan Mayor Francis Zamora na iimbestigahan nila ang binunyag ng security guard na dahilan ng pangho-hostage niya.

Ani Zamora, nag-ugat ang pangho-hostage ni Archie Paray dahil sa umano’y korapsyon sa sistema ng security agency na hindi na raw dapat maulit.

Kaya makikialam na ang San Juan City government sa security agency at sa Greenhills Shopping Center dahil sa nangyari, kung saan nanganib ang buhay ng marami.

“Kailangan nating mag-imbestiga. Bagama’t ito’y isang bagay na pribado, kailangang makialam ang lungsod dito sapagkat ang nangyari ngayong araw put everyone at risk, hindi lang risk kundi talaga in danger and one wrong move maraming mamamatay dito,” paliwanag ng alkalde.

“Lahat ito kailangan nating imbestigahan sapagkat itong pangyayaring ito ay nang dahil nga sa mga korapsyon na sinasabi niya [Paray] na nangyari sa sistema ng security agency sa Greenhills Shopping Center at hindi puwedeng maulit ito sa San Juan. Makikialam na ang San Juan City government sa security agency na ito at sa Greenhills Shopping Center,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?