99

Jun 23, 2022 @ 22:55
By

‘Green Soldier’ pinagkakaguluhan sa Baguio

Isang street mime performer na kilala sa tawag na “Green Soldier” ang sinasadya ngayon ng ilang turista sa Baguio City.

Nagngangalang Jhonwel Reyes ang lalaki na nasa likod ng katauhang “Green Soldier”.

Kalat sa TikTok ang mga video ng pagpapasaya niya sa mga tao na nasa kalsada.

Sa Facebook page na All About Wheels Manila, ibinahagi niya kung paano siya naging street mime performer.

Nagkaroon daw siya ng mga kakilala sa isang mall sa Maynila at unang nasubukan ang pagiging “Green Soldier” hanggang sa nagbakasyon siya sa Baguio at doon na ginawa ang pagiging “mime performer” taong 2014.

Hango raw ang costume niya sa maliliit na laruan ng mga bata noon at binabaril sa peryahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?