15

Sep 30, 2020 @ 8:40
By

Green sinopla si Pierce vs James

Sa loob ng court, mahigpit na magkaribal sina Draymond Green at LeBron James.

Pero sa labas, tagapagtanggol ni The King si Green.

To the rescue ang Golden State forward sa Lakers star nang kantiin ni dating Celtics star Paul Pierce sa social media.

“Players today are scared of LeBron. … My era’s out the league. We weren’t afraid of LeBron,”

Hindi aniya nabahag ang buntot ng henerasyon ni Pierce kay LeBron noon.

Siyempre, nag-abot sila at nakailang duelo rin sa playoffs noong nasa Cavaliers at Heat pa si James.

Hindi nagdalawang isip si Green na sumawsaw, sinabihan nitong manahimik si Pierce.

“Enjoy retirement, man. … You still fear LeBron. Shut up already,” buwelta ni Green.

Wala sa Orlando bubble ang Warriors, rumatsada doon si LeBron para ihatid ang Lakers sa NBA Finals laban sa dati niyang team na Miami. Game 1 sa Huwebes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?