107

By

Green, Durant dumidiga kay Crawford

Sharing is caring!

NAGLO-LOBBY raw sina Draymond Green at Kevin Durant para mapunta sa Golden State Warriors si Jamal Crawford.

Ayon sa The Athletic, binubundol daw ng dalawang All-Star forwards si General Manager Bob Myers para makuha ang beterano ng Minnesota.

Sa March ay 39-anyos na ang 6-foot-5 guard na si Crawford, pero mukhang may ibubuga pa. Nitong nagdaang season ay nag-average siya ng 10.3 points sa wala pang 21 minutes bawat laro sa Timberwolves.

Mula sa field ay tumira ng 41.5 percent si Crawford, 33.1 percent mula 3-point area.

Tahimik lang daw si Stephen Curry at ilang assistant coaches, pero gusto rin nila si Crawford.

Noong 2008-09 ay naglaro na sa Warriors si Crawford, nag-average ng 19.7 points at 4.4 assists sa 54 games. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?