166
draymond-green
By

Green binuska si James sa Arthur meme shirt

Sharing is caring!

Nang-asar ang Warriors star na si Draymond Green sa Cavaliers king na si LeBron James sa NBA parade championship ng Golden State.

Nagsuot si Green ng black shirt na may imprentang ‘Arthur fist meme’ na may kaugnayan sa photo post ni James noong nahihirapan ang Cavs na buhatin patungong kampeonato ang regular season.

Matatandaang may mga nakaraang trolling episode na si Green sa mga championship parade ng Golden State.

Taong 2016 ay nagsuot ng ‘Quikie shirt’ si Green na nagde-describe umano ng pagkapanalo ng Warriors kontra Cavaliers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?