47

Mar 10, 2020 @ 21:37
By

Greek tennis star, pinasaya ang mga pulubi sa Maynila

Hindi lang gwapo kundi may ginintuan ding puso ang Greek tennis superstar na si Stefanos Tsitsipas.

Dumating siya sa Pilipinas para sa Davis Cup noong March 2.

Kabilang sa ginawa niya ay kumain ng taho at nag-post ng itsura ng Maynila kapag gabi.

Sa kanyang vlog sa YouTube account na Stefanos Tsitsipas, makikita ang pagbili niya ng mga grocery item at makakain para sa mga pulubi sa Maynila.

Ani Stefanos at kanyang kasama, umabot ang pinamili nila sa 20 euros o mahigit isang libo, na coffee at snacks lang ang mabibili sa ilang European country.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?