24

Mar 3, 2020 @ 22:23
By

Greek netters dumating na para sa Davis Cup

Dumating na sa bansa si men’s world top 10 lawn tennis player Stefanos Tsitsipas kamakalawa at agad na ipinakita ang kahandaan para pamunuan ang Greece kontra Pilipinas para sa Davis Cup World Group II playoffs sa darating na Biyernes at Sabado sa Philippine Columbian Association (PCA), Plaza Dilao sa Paco, Maynila.

Bitbit ang ikalawang puwesto sa likod ni Novak Djokovic sa Dubai Championships ilang araw pa lang ang nakalilipas, inaasahan na ipapamalas ng kasalukuyang nasa ikaanim na puwesto sa mundong tenista para mahakbangan ng Greeks ang mga Pilipinong netter.

“I will try to represent my country as best as possible,” sabi ng 21-anyos na top Greek player , ang pinakabatang nasa world’s top 10 at may lima ng titulo.

Kasama ni Tsitsipas ang batang utol na si Petros, sina Michail Pervolarakis at Markos Kalovelonis na pumarito na bansa sa magkakahiwalay na araw at halos pare-parehas na nakahanda at mataas ang kumpiyansa para harapin ang host squad. Si Dimitris Chatzinikolaou ang kanilang non-playing captain.

Ito rin ang halos bumubuo sa Greece na umangat mula sa Group III tungo sa Group II gamit ang lumang format.

Hangad naman ng mga Pinoy na makasilat dahil hindi lamang nila makakasagupa ang kalibre ni Tsitsipas kundi laban sa isang non-Asian sa unang pagkakataon sapul na makasagupa ang Swedes sa World Cup qualifier noong 1991.

Nangyari ang paghaharap ng mga Pinoy at Greko matapos baguhin ang Davis Cup ang system of play.

Ang 2019 Southeast Asian Games doubles gold medalists na sina Francis Casey Alcantara at Jeson Patrombon ang mangunguna sa kampanya ng bansa kasama sina Ruben Gonzales Jr, Alberto Lim Jr. at Eric Olivarez, Jr. habang si Chris Cuarto ang non-playing skipper.

Isasagawa ang team draw sa Huwebes habang ang unang dalawang singles matches papalo na sa Biyernes. Ang doubles at ang huling dalawang reverse singles ay sa Sabao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?