44

Jul 12, 2021 @ 9:39
By

Greed, Beemo, Ryota bagong armas ng Onic PH

Nilantad na ng Onic PH ang kanilang magiging bagong roster para sa Season 8 ng MPL.

Sa video na kanilang pinost sa Facebook, ilang bagong mukha ang sasalang para sa Mobile Legends squad.

Pasok pa rin sa Onic PH si solo laner Gerald ‘Dlar’ Trinchera, kasama pa sina Jaylord ‘Hate’ Gonzales, Marky ‘Markyyyyy’ Capacio at ang tinagurian nilang ‘present’ na si Kairi ‘Kairi’ Rayosdelsol.

Naalis naman sa koponan ang kanilang dating gold laner na si Christian ‘Iy4knu’ Manaog.

Apat na manlalaro ang dadagdag sa kanilang lineup, kasama na diyan ang rookie na si Mico Quitlong, pati ang dating manlalaro ng Laus Playbook Esports na sina Paul Ian ‘Beemo’ Sergio at Nowee ‘Ryota’ Macasa.

Homecoming naman para kay Allen Jedric ‘Greed’ Baloy ang muling pagsampa niya sa Onic PH, na dating naglaro sa team noong MPL-PH Season 4 bago lumipat ng Aura PH.

Magkakaroon din sila ng bagong coach sa katauhan ni Paul Denver ‘Yebmaester’ Miranda, papalitan si Kyle ‘Ryo’ Berceno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?