horse-race11

Great Connection angat sa maiden

Sharing is caring!

Ang ipinasok na panlaban ng Jade Brothers Fame na si Great Connection ang tila angat ngayon sa gaganaping pakarera ng mga kabayong may edad tatlong taon at pataas.

Maganda na rin ang kinalabasan ng kanyang pinakahuling tinakbo, kahit pa pang-apat lang siyang dumating sa karerang pinanalunan ni Dare To Be.

Si jockey Jordan B. Cordova pa rin ang siyang mamamatnubay sa kanya at 52 kilos lang ang handicap weight niya.

Itong si Miss Hooknladder na kabayo ni Narciso O. Morales ang naituturo rin ng mga clockers na puwedeng makipagsabayan kay Great Connection. Si John Alvin Guce ang patong niya.

At ang isa pang kabayong may malaking tsansa rin na tumalo ay si Indelible Quaker na lahok ni H.F. Gianan Jr., at si J.L. Paano ang magdadala sa kanya. Dehado ang kabayo ni Tata Putch Puyat na si My Fave.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?