181

May 13, 2018 @ 15:35
By

Grass fire naitala sa Cauayan City, Isabela dahil sa yosi

Nagpaalala ang Bureau of Fire Protection (BFP) na iwasan ang pagtatapon ng mga upos ng sigarilyo sa pampublikong lugar, partikular na sa mga madamong bahagi ng mga lugar makaraang maganap ang malaking grass fire, kamakalawa sa Cauayan City, Isabela.

Ayon kay FO3 Reagan Bernardo, nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang grass fire na naganap sa Barangay Cabaruan, Cauayan City na tinatayang nasa 4,000 square meters ang nasirang mga damuhan.

Batay sa pagsisiyasat, posibleng sa isang itinapong upos ng sigarilyo ang nakikitang pinagmulan ng apoy malaban lamang sa mainit na panahon na kung saan ay nagkakaroon ng friction na kadalasang pinagmumulan ng sunog na nangyayari sa mga damuhan.

Umabot ng 30-minuto bago tuluyang naapula ang grassfire nang nagrespondeng dalawang fire truck ng BFP at isang fire truck ng rescue 922.

Batay sa talaan ng ng BFP Cauayan City, nasa anim na ang naitalang grass fire incident sa kanilang lugar. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?