13

Sep 13, 2021 @ 13:48
By

Granular lockdown pwede ikasa kahit walang warning – DILG

Maaaring ikasa ang granular lockdown sa piling mga lugar nang walang abiso sa mga residenteng maaapektuhan ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya.

“Wala namang warning, hindi mo malalaman. Ang nakakaalam lang kasi ng datos ay ang City Health office,” wika ni Malaya sa panayam ng Super Radyo dzBB.

“Kasi it would defeat the purpose kung may warning, o di mag-aalisan ‘yung mga tao, may clustering nga doon,” pagpapatuloy niya.

Kabaliktaran ito sa naunang pahayag ng ahensya na aabisuhan umano nila ang mga residente na masasakop ng granular lockdown 24 oras bago ito ipatupad.

Matatandaang target sanang ikasa ng pamahalaan ang granular lockdown sa ilang lugar noong Setyembre 8 ngunit hindi ito natuloy dahil hindi pa handa ang guidlines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?