130

Mar 28, 2019 @ 14:07
By

Grand Lotto jackpot prize, papalo sa P90M

Inaasahang sisirit sa P90 milyon ang jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 matapos na wala pa ring nakakuha nito sa nagdaang draw noong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa PCSO, walang nakatumpak sa winning combination na 47-10-44-09-01-18 na mayroong P86,138,063.80 jackpot prize kaya asahan na lalaki ang premyo sa susunod na draw nito sa Sabado.

Samantala, mayroon namang 16 na mananaya ang nakatumpak ng limang numero at nanalo ng tig-P56,020.00 bawat isa.

Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkoles at Sabado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?