86
abante-tnt-vismin-unli-life
By

Grand Fans Day at All-Star Parade ng PPP2018, ipinagpaliban sa Agosto 14

Sharing is caring!

Ipinagpaliban ang sana’y nakaiskedyul na Grand Fans Day at All-Star Parade sa Liwasang Aurora sa Quezon City Circle bilang kick-off activities sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ng Film Development Council of the Philippines (under the auspices of its Chairman & CEO, Liza Diño- Seguerra), kahapon, Saturday, August 11.

Gaganapin sana kahapon ng alas-10 ng umaga, ang Grand Fans Day at nakaiskedyul naman sa hapon ng 2PM ang All-Star Parade (magsisimula sa MTRCB office sa Timog Avenue) pero dahil sa lakas at ayaw paawat na bagsak ng ulan at orange warning na rin mula sa pamunuan ng NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council), nagdesisyon ang komite ng pestibal na i-reschedule na lang ito sa darating na Tuesday, August 14.

Ang walong official entries ay kinabibilangan ng: “Ang Babaeng Allergic Sa WIFI” ng IdeaFirst Company, “Bakwit Boy” ng T-Rex Entertainment, “Madilim Ang Gabi” ng Deus Lux Mea Films, “Pinay Beauty” ng Quantum Films at Epic Media, “Signal Rock” ng Cape Signal Rock (CSR) Films PH at Regal Entertainment, “The Day After Valentine’s” ng Viva Entertainment, “Unli Life” ng Regal Entertainment, at “We Will Not Die Tonight” ng Strawdogs Studio Production.

Ang PPP2018 ay nakatakdang magsimula sa Wednesday, August 15 at magtatapos sa August 21 at mapapanood sa mga sinehan sa buong kapuluan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?