24

Jul 18, 2021 @ 13:53
By

Granada sa kariton, nanggulat sa Maynila

Isang granada ang naispatan ng isang may-ari ng kariton nitong Linggo ng umaga, sa Port Area, Maynila.

Ayon sa Manila Police District, ini-report ang granada bandang alas-9:30 ng umaga, kung saan nakita na wala na itong pin nang makita.

Ang kariton ay nakapuwesto malapit sa opisina ng Philippine Star.

Ayon naman kay Port Area Police Precinct commander Capt. Rey Bundalian, ang granada ay hindi pananakot sa Philippine Star. Posible umanong inilagay lang ang pampasabog sa kariton para maitapon ito.

Ayon sa Manila Police District, sinira na ng Explosive and Ordnance Division ang triggering mechanism ng granada para hindi na ito sumabog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?