32

By

Granada nahukay sa Makati

Isang granada ang nahukay sa isang construction site sa Makati City nitong Miyerkoles ng hapon.

Base sa ulat ni Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, ala-1:20 ng hapon nang madiskubre ang isang uri ng pampasabog sa construction site sa Lower Azucena Street, Barangay Pembo sa nasabing lungsod.

Mabilis na ini-report ni Eduardo Ormatam ang naturang insidente sa mga awtoridad.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Explosives Ordnance Division (EOD) sa lugar na nagsagawa ng render safe procedure (RSP) at maingat na narekober ang isang corroded fragmentation hand grenade na walang fuze assembly.

Dinala ang granada sa tanggapan ng EOD para sa safekeeping at disposisyon nito.

Nabatid na natapos ang RSP ng EOD team, alas-tres ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?