45

Sep 17, 2020 @ 16:54
By

Grammy Trophy inihian ni Kanye West

Viral ang pag-ihi ni rapper Kanye West sa kanyang Grammy Award Trophy.

Sa video na binahagi niya sa Instagram, makikita si West habang iniihian ang trophy na nasa toilet bowl.

Ani West, pagrerebelde niya ito sa mga music label niyang Universal at Grammy Award.

Nais niyang mabawi ang rights sa kanyang mga kanta.

“All the musicians will be free!” caption ni West sa video.

Nagsimula ang battle ni West sa kanyang mga label noong Lunes nang atakehin niya ang music industry sa pagsasabing walang kapangyarihan ang mga musician gaya niya dahil lahat ng kanilang pinagpagurang kanta ay pag-aari ng mga record label.

Tinarget niya ang Universal at Sony, at nangakong hindi maglalabas ng bagong kanta hanggang hindi nakakalaya sa kontrata niya sa mga ito.

 

 

View this post on Instagram

ALL THE MUSICIANS WILL BE FREE !

A post shared by Kanye West (@kanyewestt_official) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?