63
Graft case ni Crisologo natutulog sa Sandiganbayan
Oct 30, 2017 @ 18:04

Graft, malversation vs ex-mayor, accountant ng Antique

Ipinagharap ng mga kasong kriminal sa Sandiganbayan ang dating alkalde ng Antique at kanyang municipal accountant kaugnay ng mga cash advance sa loob ng walong taon.

Kasong graft at malversation of public funds ang isinampa laban kina dating San Jose de Buenavista Mayor Fernando Corvera at Antonio Tordesillas, dating acting municipal accountant.

Ayon sa kaso, hindi naibalik ni Corvera ang kabuuang P685,477.65 cash advance na hindi nito na-liquidate mula 1999 hanggang 2007.

“… by failing to return, without justifiable cause and despite repeated demands the said public funds and with accused Tordesillas’ certifying the Disbursement Vouchers as to the completeness of supporting documents and that the previous cash advances of Corvera had been liquidated, thereby facilitating or enabling the release of the same cash advances to the latter, to the damage and prejudice of the government and the public interest in the aforesaid sum,” saad sa kaso.

Itinakda ng prosekusyon sa P30,000 ang piyansa sa graft at P40,000 sa malversation para sa pansamantalang kalayaan ng dalawa. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?