51

Oct 24, 2017 @ 15:38

Graft cases vs Abaya, iba pang DOTC officials long overdue na

Dapat noon pa kinasuhan ng katiwalian si dating Department of Transportation and Communications (DOTC) secretary Joseph Emilio Abaya at iba pang opisyal kaugnay sa maanomalyang kontratang pinasok sa isang maintenance provider ng Metro Rail Transit 3 o MRT3.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na pagkakataon na ito ng Office of the Ombudsman na ipakita ang kanilang pagiging independent sa paghabol sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa katiwalian.

Naniniwala si Abella na ikatutuwa ng libo-libong commuters ang hakbang na ito ng Ombudsman dahil sila ang nakakaranas at nakukunsumi sa araw araw na pagpalya ng biyahe ng mga train ng MRT3.

“The filing of graft charges against former Secretary Joseph Emilio Abaya and other officials from the then Department of Transportation and Communications (DOTC) over an allegedly anomalous deal with Metro Railway Transit 3 (MRT-3) maintenance provider Busan Universal Rail Inc. (BURI) is long overdue,” pahayag ni Abella.

Dapat aniyang magsilbing paalala sa lahat ng mga lingkod bayan na gampanan ng maayos ang kanilang tungkulin ng mga integridad at malasakit dahil kapag hindi naging maayos ang pangangasiwa ay mananagot ang mga ito sa batas.

“Public office, as we often hear, is public trust. Let this be a good reminder to all public officials to perform their official functions with competence, integrity and compassion for they are accountable in all their action. Similarly, let this be an opportunity for the Office of the Ombudsman to show its true independence in fighting corruption in the corridors of the power,” ang dagdag pa ni Abella.

Matatandaang inakusahan ang Ombudsman ng pagkakaroon ng “selec

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?