19

May 14, 2020 @ 15:41
By

Graduation sa PMA, tuloy sa COVID-19 pandemic

Magkakaroon pa rin ng graduation rites para sa mga kadete ng Philippine Military Academy (PMA) sa darating na May 22.

Ayon sa pahayag ng PMA, para mapatupad ang safety protocol laban sa COVID-19 ay mananatiling sarado ang kanilang grounds para sa publiko kasama na ang mga kamag-anak ng mga magsisipagtapos.

“Fort del Pilar remains closed and follows strict measures to prevent the spread of the coronavirus within the PMA and the community,” pahayag ni PMA spokesperson Captain Cherryl Tindog.

Maaring mapanood ng mga kamag-anak at malalapit sa mga kadete ang graduation rites sa Facebook page ng PMA.

Hindi pa naman sigurado kung dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing event, na madalas puntahan ng mga top official ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?