63

Mar 31, 2020 @ 23:00
By

Graduation ng anak ni Cherry Pie Picache apektado ng COVID-19

Tulad ng maraming kaganapan na nakansela dahil sa enhanced community quarantine sa bansa, ang graduation o moving up ceremony ng mga estudyante ang talagang tinamaan.

Ilang mga estudyante nga ang nagpo-post sa kanilang social media ng kani-kanilang mga graduation pictures. Hindi nakaligtas ang anak ng beteranang aktres na si Cherry Pie Picache sa mga naapektuhan ang graduation ngayong nasa gitna tayo ng quarantine.

Kahapon sana, Marso 30 ang high school graduation ng kanyang unico hijo na si Nio. Dinaan na lang ng aktres sa kanyang instagram account ang kanyang congratulatory message.

Aniya, “Jose Antonio, today would have been your HS graduation. It would have been precious to see you march, savoring the moment of all your accomplishments, triumphs, and hard work.”

Nag-iwan rin ng mensahe ang aktres para sa Batch 2020 graduates. “To all the GRADUATES out there, congratulations!!!!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?