242
Mister iniwan ni misis, nagbigti
Jun 23, 2022 @ 15:41
By

Grade 7 nasermonan ng erpat, nagpatiwakal

Patay ang isang grade 7 student matapos magbigti sa loob ng sariling bahay dahil umano nasermonan ng ama.

Ayon sa imbestigasyon ni PSSg Salazar, mayroong mensahe sa cellphone ng 15-anyos na binatilyo.

“Pa pa alam di ko na kaya sobrang sakit na eh siguro mauuna na muna ko ayaw ko na masermonan ang sakit sakit na eh sorry sa nagawa ko kanina,” saad ng biktima.

Sa ulat ni Salazar kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, bandang alas-9:30 ng gabi nang makita ang biktimang nakabigti gamit ang sintas ng sapatos sa loob ng banyo sa Navotas City.

Pinutol agad ng kapatid nitong babae ang sintas at isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklara nang dead on arrival.

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?