78

Dec 26, 2017 @ 11:33
By

Grade 5 student, patay sa saksak sa Tondo

Wala ng buhay nang idating sa Mary Johnston Hospital ang isang Grade 5 na mag-aaral matapos na madamay sa insidente ng pananaksak sa Quezon St. Tondo, Maynila Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Alvin Cris Pancho, 11 habang sugatan sa insidente si Nestor Adelantado na tinamaan sa kanang balikat.

Pinaghahanap na ang suspek na isang Jolo Solo na mabilis na tumakas matapos ang nagawang krimen.

Sa report ng MPD homicide, napikon umano ang suspek kay Adelantado kaya kumuha ng kutsilyo at agad na sinaksak ang huli.

Sinaksak din suspek si Pancho nang makasalubong niya ito sa kanyang daraanan.

Wala umanong CCTV camera sa lugar na maaaring makatulong sa ginagawang imbestigasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?