181
gun
Nov 4, 2017 @ 12:12

Grade 5 stude tinaniman ng bala sa ulo, patay

Dalawang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay at pangarap na maging guro ng isang Grade 5 pupil sa Taguig City kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ilang saksi, dalawang lalaki na kapwa naka-jacket ang bumaril sa 14-anyos na si Mike Lorenz Salonga sa Barangay Calzada, Tipas.

Base sa kuha sa isang CCTV camera, alas-10:00 ng gabi ay nakita pa si Salonga na naglalakad at makalipas ang ilang minuto ay nakita na lang itong nakahandusay sa kalsada.

Inamin naman ng ina nito na si aling Mira, na may limang taon na ring gumagamit ng marijuana ang kanyang anak at minsan na rin itong ipinasok sa rehabilitation center.

Ayon pa sa ginang, makalipas ang ilang buwan ay muling bumalik sa kanyang bisyo ang anak, na aniya ay pangarap na maging guro.

Iginiit naman nito na hindi nagbebenta ng droga ang kanyang anak. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?