112

By

Grade 3 minanyak ng private school teacher

Sharing is caring!

Rehas na bakal ang hinihimas ngayon ng isang guro matapos na manyakin ang kaniyang walong taong gulang na estudyante nang ipasok nito ang kanyang kamay sa suot na panty ng bata at himasin ang kaselanan nito sa loob ng classroom ng isang pribadong paaralan sa Novaliches, Quezon City.

Batay sa report kay Quezon City Police District (QCPD) Novaliches Police Station 4 commander PSupt Rossel Cejas, si Carlito Dionio Gabriel, alyas teacher Carl, 23-anyos, binata, math teacher ay inaresto sa loob ng classroom sa ikalawang palapag ng Divine Trinity Learning Academy na matatagpuan sa No. 28 Jewel St., Firest Hills Subd., Brgy. Gulod, Novaliches, dakong alas-10 ng umaga nitong nakaraang October 4.

Batay sa salaysay ni Gng. Eloisa, ina ng biktimang itinago sa pangalang ‘Pauline’, grade 3 pupil, umuwi umano ang kanyang anak na umiiyak at nagsumbong na pinaghihipuan siya sa maseselang bahagi ng kanyang guro na si Gabriel.

Lumapit umano sa biktima ang guro upang turuan ng math pero bigla umanong ipinasok ng suspek ang kanyang kamay sa suot na panty ng bata at nilamas ang kaselanan nito.

Sa takot ng bata ay nagtatakbo umano ito at nagsumbong sa iba pang guro ng nasabing paaralan.

“Nagsumbong yung magulang ng bata at ayon sa kanya umiiyak nga yung bata pag-uwi dahil hinawakan ng guro niya sa Math iyung maseselang parte ng katawan niya. Kaya agad ko namang inutusan ang mga tauhan ko at ipinaresto ko yung inirereklamong guro ng bata,” ayon kay Cejas.

Ayon sa ina ng bata, hindi sila mangingimi at desidido silang kasuhan ang nasabing guro upang hindi na ito makapang-biktima pa ng iba pa niyang musmos na estudyante.

Ang nasabing guro ay kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Novaliches Police Station 4 habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 7610 (acts of lasciviousness) laban sa kaniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?