549

Mar 4, 2019 @ 12:44
By

Grade 2 student, gawa sa kahoy, goma ang ballpen para makapag-aral

Pursigidong makapagtapos – ‘yan ang unang iisipin kapag nakita ang gamit na panulat ng Grade 2 student sa Samar.

Sa ibinahaging larawan ng kanyang guro na si Maricor Baculanta, kita ang gawa sa kahoy na pinagdidikit lang ng goma na ballpen ng estudyanteng nagngangalang Jan Kim.

Si Jan Kim ay 8-anyos na grade 2 pupil mula sa Union Elementary School sa Sta. Rita, Samar.

Napansin umano ng kanyang guro na itinatago ng bata ang ballpen na gamit nito kahit wala namang dapat takpan habang nagsusulat.

Dito niya nakita ang gamit na ballpen ni Jan Kim na sinabing nahihiya sa kanyang gamit na panulat kaya itinatago ito.

Naiyak umano si Baculanta sa naging sitwasyon ni Jan Kim, at nang ipinost ito sa Facebook ay nag-viral agad at bumuhos ang gustong tumulong kay Jan Kim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?