125

Jun 4, 2019 @ 12:28
By

Grade 2 inabuso, natagpuang patay sa loob ng sako

Natagpuan ang labi ng 7-anyos na batang babae sa loob ng isang sako sa Barangay 6-A, Victorias City, Negros Occidental nitong Linggo ng gabi.

Sa isinagawang otopsiya ng Victorias City Health Office nabatid na ang bata ay biktima ng pangaabusong sekswal, saad ni Col. Eduardo Corpuz, Victorias City police chief.

Ang Grade 2 student na biktima ay nagtamo ng matinding injuries sa ulo at katawan, dislocated na leeg at laceration sa kaniyang ari.

Kinilala ni Corpuz ang suspek na si Mark Besa, high value target sa war on drugs.

Nakita sa inisyal na imbestigasyon na inutusan ng suspek ang batang babae na bumili ng sigarilyo, ngunit ilang oras ang nakalipas ay natagpuan na itong patay sa loob ng isang sako sa isang bakanteng lote.

Ayon sa mga saksi, maaaring sinubukan ng suspek na ilibing ang biktima upang maitago ang ginawang krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?