19,112

Feb 21, 2020 @ 16:49
By

Grade 12 student tumalon sa Malabon City Hall

Isang estudyante mula sa Ninoy Aquino Senior High School ang tumalon mula sa building ng Malabon City Hall nitong Biyernes ng hapon.

Nasilayan ang lalaking estudyante na tinatayang Grade 12 student sa nasabing paaralan na nakatayo sa taas ng building bago ito tumalon at dumausdos sa kalsada.

Sa pahayag ni Malabon Mayor Antolin “Len Len” A. Oreta llI, kanyang pinahayag ang pakikiramay sa mga magulang at naiwan ng biktima.

“As of the moment, we are still determining the details of the incident, and we are allowing our agents on the ground to perform their job of securing the site and protecting the body. Rest assured that we will report to the public any information as they become available,” ayon kay Oreta.

Kanila na rin umanong papaigtingin ang seguridad sa kanilang city hall para maiwasan ang mga katulad na insidente.

“I am ordering the immediate closure of all unnecessary doors and portals in City Hall,” utos pa ng Malabon Mayor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?