89

Aug 1, 2019 @ 11:56
By

Grade 11 lulong sa pagbenta ng droga

Timbog ang isang menor-de-edad na lalaki matapos mahuli sa pabebenta ng marijuana sa ginawang buy-bust operation sa Barangay Pogon Lomboy, Mangatarem, Pangasinan noong Huwebes.

Kinilala ng Mangatarem Police Station (MPS) ang suspek na isang “Paulo”, 17, isang grade 11 ng Mangatarem National High School, ng Barangay Pagac, ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, ayon sa MPS, ang suspek ay isang paguhang marijuana supplier lamang sa lugar at naka tanggap ng impormasiyon na ang menor-de-edad na suspek ay nagbebenta na marijuana galing umano sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Isang undercover agent ng MPS ang bumili ng marijuana sa suspek at inaresto pagkatapos iabot ang mga naka sachet na illegal na droga.

Nakumpiska mula sa suspek ang ilang paketa ng pinatuyong dahon ng marijuana na may kasamang mariuana power at marked money na ginamit sa drug-bust.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?