9

Feb 23, 2021 @ 19:32
By

Grade 11 kalaboso sa buy-bust ops sa QC

Sa kulungan ang bagsak ng isang grade 11 student sa Quezon City matapos mahulihan ng shabu sa isang buy-bust operation.

Itinanggi naman ng suspek na hindi siya gumagamit o nagtutulak ng shabu at napag-utusan lamang siya.

“Matanda po yung nag-abot sa akin pero yung aabutan ko bata,” anang suspek sa panayam ng Unang Balita.

Ayon sa ulat, mahigit P130,000 ang halaga ng shabu na nasabat mula sa grade 11 student.

Nakatakas naman sa naturang operasyon ang target ng mga pulis.

Kinilala ng suspek ang nag-abot umano sa kanya ng droga na si ‘Nidz’ na siyang kilalang tulak sa Barangay Culiat at Holy Spirit ng naturang lungsod. (VAPA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?