264

By

Grade 1 student tinanggal sa list of awardees dahil sa kulang na P3K

Isang Grade 1 student ang tinanggal sa list of awardees dahil lamang sa kulang pa na bayad sa tuition fee.

Ibinahagi ng isang netizen na si Clen Limpin sa kanyang FB post ang nangyari sa anak ng kanyang kaibigan na nag-aaral sa Our Lady of Lourdes School of Novaliches.

Napag-alaman din na ang Grade 1 student ay una nang sinabihan ng principal ng school na magsulat ng promissory note para rito.

Ang promissory note ay sinulat kamay ng bata at nakalagay ang “I Promise to Pay my tuition Fee tomorrow.”

Ayon din sa post ni Clen Limpin, isang lingo bago ang Recognition Day ay inanunsiyo na kasama ang Grade 1 student sa mga awardee.

Ramdam ng netizen ang galit at lungkot dahil sa pinagdaraanan ngayon ng bata. Ayon sa kanya, ramdam niya ‘yung sakit lalo pa’t nanay din siya.

Galit ang naramdaman ng netizen sa principal dahil ayon dito, maaari naming pag-usapan ang bagay na ito kasama ang magulang nang hindi mapapahiya ang bata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?