1,003

Sep 16, 2021 @ 16:20
By

Grade 1 student nasanay sa English, humagulgol sa pagsagot sa module

Viral ang video ng isang estudyante mula sa Negros Oriental na walang tigil sa pag-iyak matapos mahirapang sagutan ang kanyang module dahil nakasanayan umano nito ang lengguwaheng Ingles.

Ayon sa kanyang inang si Rodgeville Ferrater, hirap umintindi ng Tagalog ang kanyang anak na si Alex dahil nasanay sa English ang bata sa pinapanood na mga pelikula.

Tagalog aniya ang lengguwaheng ginagamit sa module at masyado rin daw mahahaba ang mga pangungusap.

Dahil dito, ayaw nang sagutan ng bata ang module at nauwi sa paghagulgol.

Suhestiyon ni Ferrater, dapat simplehan na lang ang mga pangungusap sa module, paikliin at i-proofread bago ipamigay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?