132

Nov 8, 2017 @ 12:15

UP grad nanguna sa Psychologist Licensure Exams

Isang graduate ng University of the Philippines – Diliman ang nanguna sa Psychologist Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Si Anna Cristina Angeles Tuazon ay nakakuha ng percentage rate of 82.90 sa pagsusulit ng ibinigay Board of Psychology sa Maynila noong Oktubre.

Ayon sa PRC, 96 sa 148 ang nakapasa sa Psychologist Licensure Examination.

Ang mga miyembro ng Board of Psychology na nagbigay ng licensure examination ay sina Miriam P. Cue, Chairman; Alexa P. Abrenica and Ms. Imelda Virginia G. Villar.

Ang mga pasok sa Top 10 ay sina Karen Joy Dungog Patayon ng Silliman University (82.75), Niño Bandoles Galacgac De La Salle university – Manila (82.05), Michael Umalli Jimenez ng Philippine women’s University (81.85), Alessandra Tanjusay Arpon ng De La Salle university – Manila (81.80), Neil Andrew Chua Kim Cortez ng Ateneo de Manila university – Quezon City at Margarita Lia Delgado Infante ng Polytechnic University of the Philippines na parehong nasa 6th place sa nakuhang81.45 percentage rating.

Pangpito si Marie Therese Warren Ocampo ng Ateneo de Manila university – Quezon City (81.10), Carla Marez Pelingon Peruelo ng University of Negros Occidental – Recoletos (80.85), Robby Bucoy Echavez ng University of the Philippines – Visayas, Cebu City (80.80), at Sixtus Dane Asuncion Ramos from De La Salle university – Manila (80.65).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?