100
coco
Aug 21, 2018 @ 12:26
By

Grace Poe pinuri si Coco; Kinasal ng dalawang beses

Masaya si Sen. Grace Poe dahil nabibigyan ng hustisya ni Coco Martin ang bawat episode ng action-seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Sambit ng senadora: “Pag gumawa ka ng isang pelikula o television show, unang-una mayroong kabuluhan, may kinalaman sa ating lipunan.”

Bilib din si Sen. Grace dahil maraming nabibigyan ng trabaho ang mga artista na hindi na gaanong visible sa pag-arte dahil wala silang proyekto.

Pinuri naman niya ang actor: “Hindi lamang artista, nagdidirek din siya parang si FPJ.”

Samantala, muling kinasal ang senadora sa asawa na si Neil Llamanzares sa ikalawang pagkakataon.

Nag-share ng inspiring photo ang anak nilang si Brian sa kanyang Instagram kung saan nakaluhod ang ama sa harap ni Sen. Grace asking to be his wife again. Nu’ng araw na ‘yun ay 26th wedding anniversary ng mag-asawa.

Caption ni Brian sa photo: “After 26 years my dad asked my mom to be his all over again. Happy 26th anniversary papa and mama. You guys never cease to inspire me!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?