207

By

Grace Poe numero uno pa rin sa mga Pilipino – Pulse Asia

Si re-electionist senator Grace Poe pa rin ang namumuro na senatorial candidate para sa parating na 2019 midterm elections.

Sa bagong survey na inilabas ng Pulse Asia, nasa tuktok pa rin ang independent candidate na si Poe, nakakuha ng 74.9 percent na voter preference para sa period ng January 26 hanggang 31.

Samantala, nasa ikalawang pwesto naman ang re-electionist ding si Cynthia Villar na may 60.5 porsyento na boto.

3-6 naman ang ranking nina Taguig Representative Pia Cayetano na may 53.3 percent, at dating senador Lito Lapid na kumuha ng 53 percent.

Sina Senadora Nancy Binay (50.1 percent) at Senador Sonny Angara (48.8 percent) ay nagsalo sa 3-9 spot.

Posible pang pumasok sa Magic 12 sina PDP-Laban bet Senator Koko Pimentel (45.5 percent), dating presidential spokesman Bong Go (44.7 percent), dating senador Jinggoy Estrada (44.3 percent), dating DILG Sec. Mar Roxas (41.8 percent), Ilocos Norte Gov. Imee Marcos (41.2 percent) at dating Senador Bong Revilla (40.2 percent).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?