39

Apr 15, 2020 @ 14:27
By

Grace Poe mamimigay ng bigas, gulay

Handa na ang relief goods ni Senador Grace Poe, katuwang ang mga taga-Zamboanga, para sa mga aniya’y lubos na nangangailangang Pilipino ngayong may coronavirus crisis.

Sa larawang pinaskil niya ngayong Miyerkoles sa Instagram, makikita ang mga naka-pack na sayote, carrots, patatas, sardinas, instant noodles, bigas, at iba pa.

Hindi niya tinukoy kung saan niya pinadala ang ayuda.

“Sa tulong ng ating mga tagasuporta sa Lungsod ng Zamboanga, nakapag-abot tayo ng ayuda sa mga lubos na nangangailangan,” wika ng senador.

“Muchas gracias to our partners and hardworking volunteers for all your help in making this possible,” sambit niya pa. (riley)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?